PawJacinto's post
cancel
Showing results for 
Search instead for 
Did you mean: 
Level 5

Joiners and Travel Agencies

Legit ba ang Travel Agency na kinukuhanan mo ng tour? Wag basta basta magpapabook sa kung saan saan lang na travel agency. Makakapunta ka nga sa tourist spot, pero madidisappoint ka lang sa serbisyo. Maging mapanuri! Ano ba ang kailangan malaman bago magbook sa nagkalat ng travel agencies sa pilipinas?

 

Napakadami, lalo na sa mga galing Manila, ang kumukuha ng travel agency para dumayo panorth, pa south, o kahit sa nearby city lang. Madaming magaganda ang serbisyo, madami namang hindi komportable. Hmm. Minsan mapapaisip ka na lang, nagbakasyon ka nga para magrelax. Pero bakit mas stressed ka pa sa travel kesa sa trabaho mo?

  1. Kumuha ng travel agency na hindi gaanong mura, pero hindi rin naman ganon kamahal. Ang kadalasan na nagpapamahal sa mga travel agencies ay ang travel time, mas malayo, mas mahal. Kapag gagamit ng bangka, may dagdag bayad. Kung offered naman ang complete meals, not necessarily makakapagmahal un ng bayad kasi local foods naman ang ipapakain kapag sa probinsiya, kung sa hotel naman ang accommodation, usually free lang ang breakfast at own account na ang lunch and dinner. 
  2. Mahalaga ba ang magandang accommodation? Sa totoo lang, hindi naman talaga mahalaga kung sa five star hotel ka lumagi sa duration ng travel mo. Bonus na lang ang magandang tutuluyan pero kung nagtatravel ka para makita ang kalikasan, di mo na un iisipin, magstaycation ka na lang sa hotel and resort kung un ang habol mo. Diba? Kaya wag na maarte sa tutulugan.
  3. Wag matakot magtanong sa coordinator. Bago pa man ang actual na date ng travel, birahan mo na ng madaming tanong ang kachat mong travel agency. Humingi ng sample itinerary at basahing mabuti, iclarify lahat ng inclusions at exlusions. Magtanong ng mga babayarang entrance fees at optional activities. Baka magulat ka na lang kasi minsan nandun ka na sa lugar tapos biglang sisingilin ka ng entrance fee. Napakamahal ng bayad mo sa tour tapos hindi pa kasali ung mga gaanong fees. Hmm. Smells fishy. Kapag hindi ka inentertain ng travel agency, sign na yon na wala silang pakialam sa customer. Back out ka na boy! Wag din kalimutan para sa mga land travels ang klase ng sasakyan na gagamitin, wag pumayag sa siksikan na van. 
  4. Background check ng travel agency. Sikat ba ang travel agency? Madami ba silang inooffer na lugar? Minsan start up agencies lang sila pero maganda ang serbisyo, minsan din mas matatagal na sa business ang mahal magbigay ng tour. Siguraduhin na lang na magaganda ang feedback ng mga joiners na sumali na sa kanila. Mas maigi rin na magtanong sa common travelers ng magandang travel agencies.
  5. Befriend the joiners. Isa sa pinakamagandang kinakalabasan ng joiner travel ay ang pagkakaroon ng bagong mga kaibigan. Kilalanin ang mga makakasama sa joiner travel para mas maging masaya ang inyong bakasyon. Kahit magjowa pa yan, hindi masama na makipagkilala, wag lang ung tipong OA na parang mangangandidato. 

Maging chill lang at maging alerto sa lahat ng pupuntahan para maging masaya ang inyong travel. Wag kalimutan maging responsable sa lahat ng inyong gawain tuwing nagbabakasyon. Happy travels!