PawJacinto's post
cancel
Showing results for 
Search instead for 
Did you mean: 
Level 5

Isang Mabuting Pilipinong Local Guide

Paano ba magshare ng paborito mong lugar sa mga kapwa pilipino? Ano bang gusto nila makita? Ano bang gusto nilang malaman? 

Napakadami sa ating mga pinoy, lalo na ang millenials at post millenials na nahihilig sa travel Isang malaking ambag ng travelers ang pag pasa ng reviews sa samut saring mga website tulad ng trip advisor, or blogging gamit ang wordpress at kung ano pa. Pero ano nga ba ang mga dapat na ilagay sa isang review? Isang bagay lamang ang dapat tandaan mga kapwa local guides, isipin niyo lang na kayo ay isang turista na naghahanap ng magandang detalye tungkol sa isang lugar, masasagot niyo na ang tanong na iyan. Ilan lamang sa mga pangunahing hinahanap ng mga traveler sa reviews ay mga mahahalagang detalye tulad ng:

1. Pictures na hindi gaanong post processed. 

Wag magprovide ng OA na filtered photo, the more natural it is, the better. Para di naman umasa ang kapwa natin na baka malinlang sila ng pictures sa internet. Kaganda ganda sa picture tapos biglang panget pala sa personal. Sakit nun bes.

2. Average Prices para sa mga lugar na may bayad.

Normally kaya naggoogoogle ang mga travelers ay para malaman ang price list sa lugar na pupuntahan nila. Kung hindi man detalyado or kompleto ang kaya ninyo iprovide na detalye, maaari magbigay ng average or range ng presyo sa lugar na iyon. O kaya ipost n lang ang photo ng menu para sa restaurants or brochure ng hotels and whatever na gusto niyo ishare.

3. Tips at Feedback

Maganda nga minsan sa lugar na napuntahan pero baka naman sobrang hirap makapunta, aba, why not magbigay ng tip kung paano mapapagaan ang buhay ng kapwa traveler? O kaya sabihin ang feedback tungkol sa treatment sa inyo ng mga tao sa lugar na napuntahan ninyo. Sabihin din ang mga mali at dapat iwasan sa lugar para sa ikabubuti ng kapwa traveler.

 

Makakatulong ang maraming detalye sa pagbibigay ng reviews. Pero tandaan na dapat ito ay may katuturan at hindi mas nakakagulo para sa kapwa traveler. Maging isang responsableng local guide at ipagmalaki pa ang ating bansa!

Quezon City, Metro Manila, Philippines
2 comments
Level 5

Re: Isang Mabuting Pilipinong Local Guide

Ang ganda nito! Sobrang salamat 🙂

Level 7

Re: Isang Mabuting Pilipinong Local Guide

Ayos mga tips mo, sir!